Mga bagay na natutunan ko ngayong Enhanced Community Quaratine

Marami akong natutunan ngayong Enhanced Community Quarantine. Bukod sa pagpapahalaga sa aking sarili ay natutunan ko rin kung paano pahalagahan ang bawat oras — ang bawat oras na kapiling ko ang aking mga magulang.

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, hindi maipagkakailang marami sa ating mga Pilipino ang naghirap — mga mahihirap na taong mas lalong naghirap. Ngunit hindi na ako lalayo pa. Napukaw ng aking damdamin ang nangyari sa pamilya ko. Ang aking ina, na siyang nagtatrabaho para sa aming magkakapatid, ay kinailangang tumigil sa trabaho. Siya ang sumusugod sa mga pamilihan, maibigay lamang ang mga pangangailangan namin. At ang talaga namang nagpadurog sa aking puso ay noong malaman kong ang aking ama ay isa sa mga frontliners na magtatrabaho sa aming barangay. Sa tuwing uuwi ang aking ama, ramdam ko ang pagod sa mukha niya. Sa kabila ng ngiti na kanyang ibinubungad sa amin gabi-gabi ay ramdam ko ang lahat ng napagdaanan niya. Pinili niyang gawin ang trabaho niya bilang isang tanod kahit na alam niyang mahina ang resistensya niya. Pinili niyang makipaglaban sa pandemyang ito sa likod ng maaaring mangyari sa kanya.

Dahil doon ay tila isang kidlat na tumama sa aking puso ang katotohanang kayang gawin ng mga magulang ko ang kahit ano para lamang mabigyan kami ng maganda at maginhawang buhay. Na sa kabila ng nangyayari sa ating bansa ay handang isugal ng mga magulang ko ang kanilang buhay upang hindi kami maghirap na magkakapatid. Kaya naman pinapangako kong simula ngayon, pahahalagahan ko na ang mga oras na kasama ko pa ang mga magulang ko.

Isa pa sa mga bagay na natutunan ko ay ang enjoyin ang buhay. Ngayon ko napagtantong paulit-ulit lang ang ginagawa ko noon. Pagkagaling sa eskwela ay uuwi o kaya naman pagkagaling sa Simbahan ay uuwi. Hindi ko na naranasan ang ibang mga bagay na makapagpapasaya sa’kin. Nakalimutan ko na kung paano enjoyin ang buhay. Lagi lang akong nakadukdok sa gadget ko o kaya naman sa mga plates ko. Hindi ko na naisip na gawin ang mga bagay na gusto ko.

At ngayon ay nabigyan ako ng pagkakataon. Ang isa sa mga unang bagay na napamahal kong gawin bata pa lamang ako ay ang magsayaw. Bago ang lock down na nangyari, sasayaw lang ako sa tuwing kailangan. Sasayaw lang ako dahil iyon ang inatas sa ‘kin. Ngunit ngayon ay malaya ko itong nagagawa anumang oras.

Malaya na rin akong nakapagsusulat ng nobela. Bukod sa pagsusulat dito sa blog ay mahilig talaga akong magsulat ng nobela. Ngunit isang taon… isang taonng lumipas at hindi ko iyon nagawa. Kung dahil sa eskwel? Hindi ko alam. Tila nga nakalimutan ko na kung paano magsulat ng kwento.

Ilang lamang ito sa mga bagay na gusto kong gawin pero hindi ko magawa. At dahil sa lock down ay nabigyan akong muli ng pagkakataon na gawin ang mga ito. Kaya naman hindi ko masasabing isang hindi magandang bagay ang nangyari. Dahil sa kabila nito, marami naman ang mga taong namulat sa iba’t ibang mga bagay.

Ikaw, anong kwentong ECQ mo?

4 thoughts on “Mga bagay na natutunan ko ngayong Enhanced Community Quaratine

  1. Saludo ako sa iyong magulang. Hindi biro ang kanilang responsibilidad at nagagawa padin nilang ngumiti. Sigurado akong sainyo sila humuhugot ng lakas. Saludo rin ako saiyo dahil nakahanap ka ng rason magpatuloy sa buhay. Malalagpasan din natin ang lahat 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.