About

I am a college warrior taking up Architecture. Aside from writing, I have this hobby of spending my time watching Korean dramas and Anime. You can tell that from my posts here.

I love chatting. I’m talking about in personal and in chat here. I tend to tell anyone my story about anything — but not my personal life, really. I’m just really chatty.

Don’t hesitate to give me a message and let’s talk about anything. Feel free to visit my social media accounts either.

Facebook | Twitter | Instagram | Tumblr

More facts about me:

1. 5’5 1/2 ang height ko. Mas matangkad na ako sa Mommy at Daddy ko pero mas matangkad na ang pumapangalawa sa ‘kin na kapatid ko. Payat din ako pero sporty.

2. Mahilig ako sa ketchup sa isda, sa gulay, prito at sinasabaw ko pa sa kanin. Kahit ano yatang pagkain sinasawsawan ko ng ketchup. Hindi ko pa nasusubukan sa mga may sabaw. Try ko minsan. Haha!

3. Mahilig ako sa tuta at pusa. Gusto kong mag-alaga pareho pero allergic kasi kami sa pusa kaya tuta na lang. Pero balak nilang kumuha. Matapang kami, e. HAHA! May dalawa kaming alaga, sina Milo at Nido.

4. Mommy ko nag-vo-volleyball noon, Daddy ko naman Volleyball at Basketball. Pero ako hindi pa nakakalaro sa totoong game ng mga sports na ‘yan. Pero naglalaro naman ako, papalo-palo lang, ganu’n.

5. Nag-se-serve ako sa Simbahan. May gathering kami monthly every 4th Sunday, may once a month kaming inputs sa simbahan para sa CG, may once a month na inputs for Music ministry. Tapos every Sunday night naman prayer meeting. In short, taong-simbahan ako.

6. I cried when Milo died.

7. Ayon sa mga kaklase ko, tahimik ako. Majority ayan ang sinasabi sa ‘kin. Pero nang tanungin ko ang kaibigan ko, madaldal daw ako at hindi tahimik.

8. Hanggang ngayon ay nagbabaon pa rin ako ng packed lunch sa school kahit na college na ‘ko. Hindi naman nakakahiya dahil nakasanayan na rin. Mas gusto ko nga kapag ganito.

9. Kuripot ako. Aminado na. Kahit sarili ko, tinitipid ko. Mapa-pera man iyan o pagkain. Pero kapag marami namang pagkain ay kain lang nang kain. Hindi naman kami nauubusan ng pagkain sa bahay kaya keri lang. Buhay pa naman.

10. Asawa ko si Peng Yuchang at Yamazaki Kento. Two-timer ako.