Chapter 10

Chantria

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nang makapag-adjust ang paningin ko ay saka ko nilibot ito sa paligid. Everything’s white and quiet. Ang tanging naririnig ko lang ay ang maingay na pag-beep ng isang makina.

Ilang beses ko na bang napanood ang ganitong senaryo sa isang pelikula? Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na nakaka-bored na ang ganitong senaryo dahil paulit-ulit na lang? Hindi ko na maalala. At ito ako, tila isang bida sa isang pelikula. Isang pelikula na pinananalangin kong isang malaking panaginip na lang.

Tiningnan ko kung sino ang nasa katabing kama ko. Doon ko nakitang wala pa ring malay si Chanel. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng isang kwartong ‘to. Sinubukan kong tumingin sa kabilang banda ng kama ko, nagbabaka sakaling naroon si Carleigh.

Mabilis na tumulo ang luha ko. I don’t want to assume, but my tears won’t stop from falling. Hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinanggal ang mga nakakabit na kung ano sa ‘kin. Agad kong tinakpan ang sugat na nanggaling sa IV bago sinubukang tumayo.

Tiningnan ko muna ang lagay ni Chanel bago ako naglakad palapit sa pinto. Ngunit bago pa man ako makalapit doon ay bumukas na iyon nang mag-isa. Nanlaki ang mga mata ng nars na pumasok at agad akong hinawakan sa braso upang ibalik sa higaan.

“Hindi ka pa dapat tumatayo, Ma’am. Nagdudugo ang braso niyo. Bakit niyo tinanggal?”

Pinigilan ko siya sa ginagawa niyang paghatak sa ‘kin pabalik. “Where’s my dad? I need to talk to him. Where’s Carleigh?”

“Tatawagin ko po ang daddy niyo at sasabihing gising ka na. Pero kailangan niyo po munang bumalik at kailangan niyo ng pahinga.”

Hindi na ako umangal dahil naramdaman kong muli ang panghihina ng katawan ko. Pinanood ko siyang kinabit ulit sa braso ko ang IV bago lumabas upang tawagin siguro si dad o ang doktor.

Waiting there was painful. Gustuhin ko mang lumabas ay ayaw ng katawan ko. Pakiramdam ko ay kapag tumayo ulit ako, bibigay na lang ‘to basta. I watched Chanel while I wait. I was afraid na kapag tinanggal ko ang tingin ko sa kaniya, pati siya ay mawawala bigla.

I’m so confused and scared right now. Everything that happened came back to me and it replayed like a broken record. Tinawag namin siya. Ngumiti pa siya habang tumatakbo papunta sa ‘min. We were about to leave. We were about to be safe. But then someone shot her.

I stopped myself from crying so hard. Hangga’t hindi ko naririnig na ayos lang si Carleigh ay ayokong mag-isip ng kung ano. I just need to see her. Maybe she’s just on the other room, resting. Baka ayaw niya lang maingayan sa ‘min ni Chanel kaya nakiusap siyang bumukod ng kwarto.

Agad lumipad ang tingin ko sa pinto nang pumasok si dad. Tumakbo siya sa gawi ko bago ako mahigpit na niyakap. Napahagulgol na lang ako nang maramdaman ang matigas niyang dibdib. Her arms wrapped around me felt safe and secure.

“Are you okay? Does it hurt somewhere? Do you want me to call the doctor?” sunod-sunod na tanong niya.

Agad akong umiling bago pinunasan ang luha sa mga pisngi ko. “No. I’m okay, dad. It doesn’t hurt anymore.”

“Good. That’s good.” Muli niya akong niyakap nang mahigpit habang hinihimas ang buhok ko.

“Dad,” tawag ko sa kaniya bago kumawala sa yakap niya. “Where’s Leigh? Where is she? Naiwan siya roon.” Humagulgol ako. “Dad, she was shot. Someone shot her! I need to know if she’s okay.” Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa patuloy kong pag-iyak. Kinakapos na rin ako ng hininga at nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha.

“Shh… don’t cry, Chantria. Don’t cry.”

“Dad, where’s Carleigh? I need to see her and know that she’s okay. I’m okay now. I’m not hurt.”

Nang hindi sumagot si dad ay hinanap ng mga mata ko ang kaniya. Pilit naman siyang umiiwas sa tingin ko kaya mas naging makulit ako.

“Dad, where is she? Why is she not here? Ayaw niya bang kasama kami ni Chanel dahil baka mag-ingay kami pagkagising namin? Tell me.”

Kinagat niya ang ibabang labi niya bago marahang pumikit. Nanginig din ang sulok ng kaniyang labi na para bang pinipigilan ang sarili. Pero dahil sa sobrang kulit ko ay wala rin siyang nagawa.

“I’m so sorry, Chantria. I am so sorry.” May luhang kumawala sa kaniyang mga mata, hindi pa rin makatingin sa ‘kin.

“What is it, Dad? Why are you apologizing? It’s not your fault. I was those guys’ fault. I just want to see Carleigh.”

Nang humagulgol siya ng iyak ay napatulala na lang ako. Dahan-dahan siyang dumausdos sa sahig hanggang sa makaluhod siya sa harap ko. It was like he was pleading for something. I’ve never heard or seen him cry like this. He didn’t cry this hard when mom died. He was a strong man. He doesn’t cry.

“I failed to protect her. I failed to protect you three and I am so sorry.”

Nanghina ang mga tuhod ko. Kung nakatayo lang ako ay baka kanina pa ako humandusay sa sahig gaya ni dad. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

It can’t be.

That’s impossible.

“We rushed to the scene as fast as we can,” pagpapatuloy niya. “But I was too late. The enemy has already–“ Pumiyok siya. “–they already burned Joaquin and Carleigh alive. We couldn’t protect them. I couldn’t protect them. I am a failure of a husband. I am a failure of a father.”

Hindi ako nagsalita. I don’t know what to say. I want to blame him. I want to blame anyone for what happened. But I know whom I need to blame for all this.

Me.

I was not strong enough to protect anyone. I was the one at the scene. Hindi ko nagawang iligtas si Carleigh dahil mahina ako. All I did was cower in fear. And I can’t protect anyone in this state. I am the one to blame.

Hindi ko nagawang kumain sa mga susunod na araw kahit anong pilit ni dad. How can I eat after what happened? After what I’ve done? Even if I could, I won’t let myself eat. I need to punish myself. I deserve this.

Ilang araw ding walang malay si Chanel at binabantayan ko lang siya. I didn’t want to sleep and just watch over her. Sa gayong paraan ay malalaman kong ayos lang siya at walang ibang makapananakit sa kaniya.

As days go by, inaalala ko kung ano ang sasabihin ko kay Chanel. Just imagining her reaction to what happened to Carleigh makes me want to cry again. Tiyak akong hindi niya kakayain. Chanel adores and respects Leigh so much. She can’t possibly get over this quickly as she did with mom. She spent a lot of time with her.

But I don’t want to worry about that now. I just need to see her wake up. I need to see her alive and smiling again.


Lifetime Access and monthly subscription to all my stories are available here: https://jasminprecious.wordpress.com/terms-and-conditions/

Published by Precious Jasmin

'99 | Architecture student | Dancer | Blogger | Amateur writer | Amateur Photographer | Sporty | Pink |

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.